Batang X-Y=?


Naaalala mo pa ba yung mga batang nagligtas sa ating planeta???

Mga "Batang X": Anna Larrucea, John Prats, Janus del Prado, JC Tizon at John Ace Zabarte.

Yaman din lamang napag-uusapan ang salitang “kabataan”, bakit hindi natin balik-tanawin ang ating nakaraan at minsan nating bisitahin ang mga batang superheroes na minsan nating hinangaan at pinalakpakan dahil sa kanilang mga natatanging galing at super powers: Anna Larrucea as 3-Na, John Prats as KidLat, Janus del Prado as Control, JC Tizon as G:Boy at John Ace Zabarte as A-Gel.Ang ku-cute nila, di ba? Sino bang hindi kinilig at natuwa sa kanila…aminin?

Speaking of X, marahil ay tanong nyo rin ang itatanong ko: “Asan na kaya sila?”. Sa kanilang lima, sigurado akong si John Prats ay hindi ko na kelangan pang iisplika. Gayun din si Janus del Prado na kahit papaano nama’y may career pa. Asan na sina Anna, JC at John Ace?

Salamat sa tulong ng super gadget kong Macbook at super radar kong Google, natunton ko rin ang ilang mga impormasyon tungkol sa kanila.

Anna Larrucea…

Edad: 26 taong gulang. Huling Litrato: Sa Testimonial ad ni Tony Galvez. Huling Balita: Nag-aaral sa De La Salle University.

JC Tizon

JC with GF.

Edad: 25 taong gulang. Huling Balita: Kasalukuyang nasa Puyallup, Washington USA at may girlfriend nang Kana.

John Ace Zabarte…

Edad: 24 taong gulang. Bagong Alias: Blain Wika. Huling Balita: Isa ng Rap Musician ng kanyang W1KA Records.

Pahabol na impormasyon tungkol kay John Ace aka Blain Wika, isa na syang ganap na ama. Ito ang kanyang cute na chikiting. . .

Like father, like son di po ba? Cute!

Like it or not, ano pa man ang inyong natunghayan sa ngayon, hindi makakailang minsan natin silang minahal. Minsan natin silang naging bahagi ng isang napakaimportanteng kabanata ng ating buhay: ANG ATING KABATAAN.

Thoughts for the Day: As we grow older, we become more cautious of the things that we do. We can’t do this and do that. But come to think of it, is there really a general patronage rule that says, “As an elder, you shall stop having fun and take life seriously”??? Maybe. Or none. But once in awhile, it’s good to have a trip down memory lane and if by chance you consider life like a ferris wheel, I’d say go for it! Take a ride, stop worrying and have fun once in awhile!

Me at a carnival in Bangkok with my "elderly" Pinoy friends (they're not in the photo though) 😉

Advertisements

16 thoughts on “Batang X-Y=?

  1. i remember my old days as a kid, i remember we watched that movie, wit hmy family.. hehehe!! dun ako natuto mgka crush.. kc crush ko nun c G-BOY..!! hahaha!! til now, cute pa dn xa..

  2. thank you so much;i really like the batang x,i was 15 years old that time. my crush is G-Boy;hmmm.his really cute huh..i wish you can post more picture oh him;thanks

  3. Ahahaha! I thought I was the only one who used to have a huge crush on JC Tizon. Dang! Nice post by the way. ^__^ I remember the old days. Ngayun ko lang nalaman na mas matanda ako sa kanya ng 2 years.

  4. Hi, my name is JC lol.. yes I now reside in Tacoma, WA and I’m actually 26 years old turning 27 in two months!! It’s crazy how people still remember me.. I miss the Philippines.. thanks for all the support 🙂

  5. i remember old days. ang gusto ko jan eh si A-Gel at 3-Na.. inpernes ah gwapo ni John Ace Zabarte at ni JC Tizon.. hehehehe.. namiss ko naman ang movie na yan….

  6. Grabe, I miss that movie… I’m trying to find the movie pero ang hirap ng hanapin ngaun… I remember crush na crush ko pa c JC Tizon nun lalo na nung nakita ko xa nagpeperform with Age of Wonder sa Alabang Town Center. Batang bata p lng ako nun then kinikilig na ko sa kanya… hahaha… nakakatawa tlga ung moment na un. Sa sobrang crush ko s knya naging member ako ng Dragon Balls fan club at bumili ako ng album nila… haizt… katuwa tlga…

    • Yeah it’s me. Lol thank you thank you for all your support. Wow age of wonders I remember that I still talk to some of those guys. 🙂

  7. isa sa mga hindi ko malilimutan pelikula noong bata ako.. naalala ko nangolekta pa ako ng mga text cards and news clippings tungkol sa pelikulang ito.. at syempre, naging crush ko si G-Boy..hehe.. 🙂 sarap maging bata ulit..

  8. Hi I am Jeffrey Velasquez of Heroes Are Us Philippines, we will be having an event dubbed HEROCON 2013 wherein one of our main highlight is the Forum with Direk Peque Gallaga and Lore Reyes. We will also have a mini Batang X Reunion with Anna Larrucea and Janus del Prado coming. Hopefully we can still get John Prats

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s