Daily Archives: August 22, 2011

I’m Not Most People! Presents: HaroldC adores…


XXX: Harold "Madonna" Cadores (left), Carlo "Cyndi Lauper" dela Rosa (middle), Peps "Janet Jackson" Pacheco (right)

Una ko syang kinainisan bago kami naging mag-bespren.

Mas “peborit” kasi sya nung same Values Educ. teacher namin na si Bb. Luzviminda. At mas lalo akong na-inggit nung malaman kong mas may mataas pa palang grade na ibinigay si Bb. Luzviminda kesa sa akin. So na-curious ako kung “sino sya” hanggang sa may nakapag-tip sa akin kung ano ang hitsura nya para maabangan ko one time.

First time kong nakita yan eh naglalakad sa hallway malapit sa prayer room ng Jose Rizal College (University now) na akala mo matutumba kasi pasadsad kung maglakad. Sabi ko, “Ay sya pala yun…”sabay taas ng kilay ko. 2nd Year, naging mag-klasmeyt na kmi at hindi lang yun, seatmate pa. Naaalala ko pa kapag medyo bored kami habang nagtuturo ang teacher, pa-simple kaming magko-compare ng mga drawings namin: “mga mata complete with pretty eyebrows & eyelashes”…yan ang peborit subject ng “art” namin.

Hanggang sa nakagaanan ko na sya ng loob kasama pa yung isa naming bes, si Peps. At kahit nalipat yan ng ibang section nung 3rd & 4th Year, nanatili kaming mag-bespren as in hintayan sa baba ke may shorten period o wala; kung minsan sabay kakain sa lugawan sa labas, gagala sa manuela or gamol particularly sa National Bookstore para buksan sa kinapaplastikan nila yung Bop Magazine o yung mga fashion mags na merong sample perfume sa loob—naku, pa-sikreto naming bubuksan yan at ipapahid sa mga kamay namin. Tapos maghihiwalay na lang kami sa jeep terminal sa Crossing dahil papunta syang Rosario ako nama’y Pasig/Palengke ang pila ko.

Andyan din na bumisita ako sa bahay nila at tamang kapitbahay nya ang totoy na totoy pa nuon at hindi pa sikat na si Joseph Bitangcol.

Naaalala ko pa rin lahat ng iba pang mga adventures namin mula sa pag-oaudition sa Repertory Philippines kung saan inawit namin ang “I Dreamed A Dream” from Les Miserables kung saan pag-awit pa lang ng line na, “I Dream…” e nag-Thank You na sa kanya ang yumaong Zenaida Amador na dating pinuno nito. Laking gulat na lang namin ng lumabas sa stage si Aiza Seguerra at umawit nang pagkaganda-ganda. Andun din si Antoinette Taus nuon. Matuk mo yun naka-audition namin ang mga mahuhusay na celebrity.

Hindi pa dyan natapos ang “kapal muks” namin. Nag-try din kami ng “luck” sa audition ng Ang TV! Yup! Naranasan naming pumila ng very early morning, mag-ober da bakod, makipagtulakan at para lang ma-VTR ang mga sunburned faces namin ng less than 0.0001 milliseconds!

Hanggang nag-college na kami tapos nalipat naman ako ng tirahan sa Cainta kung saan sa kabilang kalsada lang na border ng Pasig naman sya nakatira. Kaya pag free kami ng sched pareho, Sta. Lucia naman ang madalas naming puntahan.

Naku, kulang ang 10-part series kung ilalahad kong lahat ang mga kabanata ng pagkakaibiganan namin ni Bes. Pero ang tanging masasabi ko lang sa kanya ay isa syang tunay na kaibigan na walang iwanan kahit ano pang mangyari. Isa syang napaka-humble na tao at hindi ako masusurprise kung ganun karami ang mga friends at taong babati sa kanya sa espesyal na araw na ito.

Kaya sa iyo, BFF HAROLD CADORES for many, many, many years… (wag na lang imention ang eksaktong figure para may thrill pa rin ang mga “How old are you?” question ng mga new acquaintance natin ;P) …I am so grateful to GOD for giving you to me, for listening to me especially in times of my despairs & frustrations, happiness & triumphs; for accepting me for who and not just what I am. Truly, not even Webster nor Oxford or any dictionary can ever define the true meaning of our friendship...HAPPY BIRTHDAY to you my dear BEST FRIEND!  I wish you all the best in the world and just to let you know that I will just be here to support you in your endeavors (“,)

Follow Harold  Cadores as he shares with us his fascinations in fashion & other fabulous stuff at: http://haroldcadores.tumblr.com/

I Feel Better Like Tob Chaiwat Thongsang!


Nope, not that I have Tob‘s body or will ever dream of having one but the feeling of being healthy & well like his projection in the above pics is something I am so proud to announce after my 3-day of treatment from a runny nose & fever! I’m back and ready to blog again (*-*)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 83 other followers